Wednesday, February 27, 2008

Galit ako ngunit Mahal kita

Galit ako ngunit Mahal kita

Simula ng dumating ka sa mundo ko

Ikaw na ang bida sa lahat ng tao

Ang lagi kong tanong sa sarili ko

Ano bang meron ka na wala ako?

Doon ko napagtanto

Nakahihigit ka nga sa lahat

Maganda at matalino

Samantalang masunurin lang ako

Pinapaburan ka sa lahat ng bagay

Mas dama kong mahal ka nila

“Ok lang naman iyon, alam ko na”

Ngunit hindi na nila kailangan ipamukha pa

Ang mundo ko ay parang naging laro

Tinuring kitang kaaway ko

Ano ba naman ang mapapala ko

Wala naman tayong makukuhang premyo?

Ngunit kahit anong sabihin nila

Para ikaw ay aking kamuhian

Hinding-hindi ko iyon magagawa

Dahil kapatid, mahal kita

No comments: